May mga hakbang na raw ang AFP para palakasin ang kanilang cyber defenses, ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla. Kabilang daw dito ang pagbuo ng bagong Cyber Command at pag-recruit ng mga “cyber warriors.” Ibinahagi rin niya ang mga hakbang laban sa fake news at misinformation na naglalayong guluhin ang bansa. Nanawagan siya sa publiko na maging mapanuri sa mga pinagmumulan ng impormasyon upang maprotektahan ang seguridad sa cyber domain ng Pilipinas. Panoorin ang video. #TheMangahasInterviews